Single Ka Ba? | How to be a Better Single
Hugot Radio Podcast - A podcast by TuRon

Categories:
Single ako ngayon. Paano maging masaya kahit single? Pagod ka na bang sumagot sa tanong na, “Oh iha, bakit wala ka pang boyfriend?” O kaya naman, “Kailan mo ba balak mag-asawa?” Bakit ba kapag may family gatherings at nalaman ng relatives mo na wala ka pang jowa at single ka, minamadali kang pumasok sa isang relasyon? Parang nakagawa ka ng kasalanan kapag single ka. Para bang sakit ang pagiging single na kailangang gamutin. Lalo na kapag nasa mid-20’s ka na, mas lalong nandyan yung pressure na makapaghanap ng partner. Pero actually this is true. Hindi yung pagiging single ay sakit ha, kundi yung pressure na dala ng age when it comes to dating and relationships. Meron kasing tinatawag na imaginary magic age, such as 18 or 21, na kapag tumuntong ka na sa edad na ito, kailangang meron ka nang significant other. If we follow this logic, dapat by the age of 25, either may engaged ka na at on the way na sa kasalan, o kaya, pamilyadong tao ka na. Kaya ang ending, pressured ang mga single kapag na-reach na nila ang 20’s pero parang wala pa ring signs ng pagdating ni “the one”. Ayaw nilang mapag-iwanan ng tren. Kaya ikaw, sigurado minsan natanong mo na rin sa sarili mo, “Is it better to be single?” Or dapat na ba akong maghanap ng magiging katuwang ko sa future? Well, depende sa iyong time and season. Sabi nga diba sa Bible, there is a time for everything. Pero if there’s one thing I am sure of, kailanman ay hindi magiging tamang reason ang “pressure”, para maging on the hunt ka sa future partner mo. Kaya maraming nagkakamali eh. Maraming broken families. Dahil hindi naman out of pure intention, of pure liking na magkaroon ng pamilya ang pagpapakasal. Na-pressure lang pala ng pamilya. Kaya naman ikaw, single, na nakikinig, kung pinag-iisipan mong replyan yang nagpaparamdam sa’yo, i-chat yung ex mo, o kaya mag-try ng dating sites in search of “the one”, I tell you, wag. Umupo ka muna dyan, kumuha ka ng makakain o maiinom, o kung wala naman, invite ka na lang din ng iba pang single dyan. Dahil for today, babaguhin natin ang tanong. Hindi na, “Is it better to be single?” kundi “How can I be a better single?”