Falta de Razón, ganito ka ba?

Hugot Radio Podcast - A podcast by TuRon

Categories:

Palta Razon. Ito yung ginagamit na term ng mga Pilipino kapag puro rason na lang ang sinasabi ng kausap natin, kahit wala nang pinatutunguhan yung reasoning niya. Nung si-nearch ko ito sa google, ang tamang term pala talaga sa Spanish ay falta de razon, which simply means lack of justification or groundlessness. Kagaya ng kung paanong hindi grounded yung bahay na tinayo sa sand or buhangin. Dahil gustong mag-flex ng bahay, nagpatayo pa rin, kahit na sa buhangin pa na kapag umuulan eh inaanod din ang lupa. Ganoon din ang palta rason. Dahil ayaw mapahiya at gustong manalo sa isang argument, kahit na walang laman ang sinasabi at mga reasoning, go pa rin. Minsan pa nga, wala naman talagang argument, pero dahil ayaw magpatalo nitong si E. KC., nagkakaroon tuloy ng pagtatalo. Kasi instead na amining mali siya, gumagawa siya ng kung ano-anong rason, binabali-bali ang sinabi niya, dahil hindi niya kayang tumanggap ng advice o kaya correction.

Visit the podcast's native language site